PAGPAPALAWAK NG NATIONAL FEEDING PROGRAM, ISINUSULONG NI DS CAMILLE VILLAR
Iminungkahi ni House Deputy Speaker Camille Villar na palawakin pa ang “National Feeding Program” sa mga paaralaan sa bansa habang tinutulungan ang mga lokal na magsasaka na maibenta ang kanilang aning produkto, at masolusyunan ang kagutuman.
Sa kanyang inihaing House Bill 9811, layon nito na amyendahan ang Republic Act 11037 o ang “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act.”
Sinabi ni Villar na mabuting mapalawig ang National Feeding Program sa mga “undernourished” na mga bata sa secondary schools sa bansa, at hindi lamang limitado sa day care, kindergarten o elementary students.
Nakasaad din sa panukala na palalakasin ang koordinasyon ng Department of Education o Deped sa micro, small and medium sized enterprises o MSMEs, mga kooperatiba o asosasyon ng mga magsasaka, at community-based at grassroots initiatives.
Sa paraang ito, ayon pa kay Villar, direkta nang kukuha ang Deped ng mga produkto sa mga nabanggit para sa programa.
Sa ilalim pa ng House Bill, nasa P29.00 ang budget para sa kada “meal” ng mga estudyante, at i-a-adjust ang halaga kada taon batay sa “inflation” at para sa nutritional adjustments. — isa
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home