Hajji
Marahil ay nalinawan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa tunay na layunin ng isinusulong na economic Charter Change.
Reaksyon ito ni Taguig-Pateros Second District Representative Maria "Pammy" Zamora sa tila pagbabago ng tono ni Duterte sa ginanap na prayer rally sa Cebu kung saan iginiit nito na magiging bukas siya sa pag-amiyenda sa Saligang Batas kung limitado lamang sa economic provisions.
Ayon kay Zamora, sa simula pa lang ay ito na ang itinutulak ng Kamara pagdating sa Constitutional amendments nang ihain ang Resolution of Both Houses Number 6.
Pero kung si Deputy Speaker Jayjay Suarez ang tatanungin, mas magiging masaya siya kung pati ang mga taga-suporta ng dating pangulo ay ganoon din ang posisyon.
Patunay din aniya ang RBH 7 na nakatakdang isalang ngayong araw sa plenaryo na tatayong Committee of the Whole kung saan iikot lamang ang talakayan sa economic provisions.
Idinagdag naman ni Rizal Representative Fidel Nograles na napapanahon na ang economic Cha-Cha dahil itataguyod umano nito ang kapakanan ng mga manggagawa.
Mababatid na sa prayer rally ay binigyang-diin ni Duterte na dapat tutulan ang pag-amiyenda sa 1987 Constitution na papabor sa kasalukuyang administrasyon at naghahangad ng karagdagang termino.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home