Tina
Aarangkada na mamayang ala-una ng hapon sa plenaryo ng kamara ang pagdinig ng Committee of the Whole upang talakayin ang inihaing Resolution of Both Houses o RBH no. 7 kaugnay sa pag-amyenda sa economic provision ng 1987 constitution
Ito’y matapos ipagpaliban ang nasabing pagdinig na unang itinakda noong nakaraang linggo dahil sa availability ng ilang resource person.
Ayon kay House Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd district Rep. Aurelio Gonzales Jr. magsasagawa ang Kamara ng tatlong pagdinig sa loob ng isang linggo at susubukang matapos ang deliberasyon bago ang Holy Week recess ng mababang kapulungan sa susunod na buwan.
Nabatid na tatayo bilang chairman ng naturang komite si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at senior vice chairman si House Majority Leader Manuel Dalipe.
Habang sina House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. at House Deputy Speaker David Suarez ay kapwa magsisilbing vice chairman ng nasabing komite.
Tatayo namang floor leader si Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II, at assistant floor leaders sina Representatives Janette Garin, Lorenz Defensor at Marlyn Primicias-Agabas.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home