Monday, February 12, 2024

isa Isinusulong sa Kamara ang isang panukalang batas na mahinto na ang paggamit ng “toss coin” tuwing may “tie” o tabla sa mga eleksyon. 


Sa House Bill 9796 ni Cotabato 3rd district Rep. Alana Samantha Taliño-Santos --- kanyang ipinunto na ngayong naghahanda na para sa Eleksyon 2025, kailangang magkaroon ng batas para sa pagresolba ng mga tabla sa halalan. 


Dagdag ni Santos, layon ng kanyang panukala na matuldukan na ang kawalan umano ng “fairness” na dala ng toss coin, na sumisira sa demokratikong proseso, at prinsipyo ng “majority rule.” 


Sa ilalim ng House Bill ni Santos, aamyendahan ang Section 240 ng Batas Pambansa Bilang 881, o Omnibus Election Code of 1985. 


Kapag naging ganap na batas --- kung mayroong dalawa o higit pang kandidato na makakakuha ng parehong pinaka-mataas na bilang ng boto, ang pinal na resulta ay ita-transmit sa Sanggunian na magdaraos ng “special session.” 


Ang Sanggunian ang magba-break ng tie sa pamamagitan ng “majority vote” ng mga miyembro, at magpo-proklama ng nanalong kandidato. 


Sakali namang ang posisyon ay district Representative o district Sanggunian member --- ang mga miyembro ng Sanggunian ng naturang distrito ang boboto. 


At kapag ang kaso ay tabla sa pagka-Senador --- ang nahalal na 23 senador ang sila-silang magbobotohan kung sino ang huling Senador na kukumpleto sa kanilang roster.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home