Thursday, February 08, 2024

milks Dapat palakasin ng pamahalaan ang cybersecurity ng bansa dahil sa mga inaasahan pa na mga pag-atake sa ilang mga government website.


Ito ang babala ni Undersecretary Jeffrey Ian Dy ng Department of Information and Communications Technology sa briefing na ipinatawag ng Kamara sa harap ng pinakahuling cyberattacks sa websites ng ilang ahensiya ng gobyerno na umanoy kagagawan ng China-based cybercriminals.


Ayon kay Dy sa imbestigasyon ng DICT sa pinakahuling cyberattacks sa ilang government websites, natukoy nila na ang pinagmulan ay ang tatlong “three threat islands”.


Ito ay ang Lonely Island mula sa Iran… at Miander (?) at Panda mula sa China.


Bagamat wala pa sa Pilipinas, sinabi ni Dy na dapat paghandaan ang Robocalls na talamak sa Amerika at Europa.


Ang Robocalls ay gumagamit ng artificial intelligence para gayahin ang boses natin.


Umaapela si Dy na bigyan ng proteksiyon ang cybersecurity ng bansa dahil lalo pang lalala ang banta habang papalapit ang mga eleksiyon sa Pilipinas sa 2025 at 2028.


Pakinggan natin si DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy…


RHTV : insert audio/video Usec. Dy


Ongoing ang briefing  ng Kamara sa mga napaulat na “cyber-attacks” sa mga digital domain ng gobyerno. 


Ang hearing ay pinamumunuan ng House Committee on Information and Communications Technology na pinamumunuan ni Navotas Representative Toby Tiangco at ng House Committee on Public Information ni Congressman Joboy Aquino.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home