Thursday, February 08, 2024

milks DMW pinuri matapos mai-release ang labor claims ng mga displaced ofw’s sa Saudi noong 2015…



Umani ng papuri sa Kamara ang Department of Migrant Workers matapos makuha ang initial release ng mga unpaid wages and benefits ng mga overseas Filipino workers na na-retrenched sa Saudi Arabia noong 2015.


Ayon kay Kabayan Partylist Representative Ron Salo, trinabaho ng husto ng DMW kahit noong panahon pa ni yumaong DMW Secretary Toots Ople para makuha ang naturang kompensasyon.


Pinasalamatan din ni Salo si Pangulong Bongbong Marcos sa suporta at commitment para sa kapakanan ng mga ofw’s sa buong mundo.


Sabi ni Salo, ang malakas na international at diplomatic relations ni Pangulong Marcos kay Crown Prince Mohammad Bin Salman ang dahilan din ng mabilis na proseso kaya nai-release ang pending salaries, wages at end-of-service benefits ng mga apektadong ofw’s.


Naging paksa din ito ng meeting ni Pangulong Marcos kay Crown Prince Salman nang magtungo ang Pangulo sa Saudi Arabia noong nakaraang taon.


As of February 2024, umaabot na sa 843 na tseke o katumbas ng 691.45 million pesos ang nai-released na ng LandBank na ayon kay Salo ay malaking tulong sa naturang mga ofw’s at kanilang pamilya.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home