Friday, February 23, 2024

Milks Kamara baka mas paboran ang mga wage bill na magtatakda ng umento bawat rehiyon…


Baka hindi uubra sa Kamara ang pare-parehong umento sa sahod sa buong bansa.


Ito ang inamin ni Marikina Representative Stella Quimbo, Senior Vice Chair ng House Committee on Appropriations matapos kumpirmahin na sisimulan na ng Kamara sa Martes ang pagdinig sa mga nakabinbin na mga wage bill sa House Committee on Labor and Employment.


Ayon kay Quimbo, ito rin ang dahilan kung bakit kailangan nilang kunsultahin sa hearing ang mga economic managers ng Malakanyang sa epekto ng posibleng legislated wage hike.


Ikukunsidera dito ang epekto ng wage hike sa kakayanan ng mga negosyante, posibleng pagtaas ng unemployment rate at inflation.


Sa pananaw ni Quimbo, baka hindi pa nga sapat sa mga manggagawa dito sa Metro Manila ang P100 peso across the board wage hike na inaprubahan ng Senado.


Baka mas akma anya ang naturang umento sa ibang rehiyon sa bansa na mas mababa ang presyo ng bilihin at hindi masyadong mataas ang demand sa iba pang mga serbisyo.


Pakinggan natin si Marikina Representative Stella Quimbo…



RHTV : insert audio & video of Quimbo…

Out cue: beginning Tues



Sa Kamara, ilan sa mga pending wage bill ay ang isinusulong ng Makabayan bloc.


Kabilang dito ang House Bill 4898 para ma-institutionalize ang national minimum wage, base sa family living wage.


Bukod pa dito ang House Bill 7568 na nagpapanukala ng P750 peso across-the-board wage increase para sa mga private sector workers.


May panukala din na pagsamahin ang dalawang bills para makuha ang P1,100 peso uniform national minimum wage para sa ating mga manggagawa sa buong bansa.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home