milks (Wrap chacha, Salceda, Quimbo, Co )
Kamara susunod sa utos ni PBBM na limitado lamang sa economic chacha ang dapat maamyendahan…
…
Susunod ang mga lider ng Kamara sa posisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na suportado niya ang pag-amyenda sa ating saligang batas pero limitado lamang sa mga economic provisions.
Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means, ang pagsuporta ni Pangulong Marcos sa chacha ay pagpapakita na may pangangailangan na maamyendahan na ang ating saligang batas.
Sabi ni Salceda, itinigil na ang pagsusulong ng People’s Initiative dahil mariing tinututulan ng mga Senador, inaasahan niya na sana daan ito para lumamig ang bangayan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Sa panig ni Marikina Representative Stella Quimbo, ang posisyon ng Pangulo na inihahayag ang pagsang-ayon sa amyenda ng economic provisions ng chacha ay hudyat sa Senado na simulan na ang kanilang trabaho… at sa dalawang Kapulungan na itigil na ang bangayan.
RHTV insert presscon…video only, silent…
Samantala, hanggang ngayon ay walang pang pahayag si Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co kung papatulan ang pinakahuling alegasyon sa kanya ni Senator Joel Villanueva.
Ito ay nang akusahan ni Villanueva si Co sa plenaryo na sangkot ang umano ang korporasyon ng Kongresista sa Pharmally scandal.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home