TINA
BINIGYANG DIIN NI HOUSE DEPUTY SPEAKER AT QUEZON 2ND DISTRICT REP. JAY JAY SUAREZ NA WALANG MONOPOLYO NG IDEYA ANG SENADO SA BANSA.
ITO ANG IGINIIT NG MAMBABATAS SA PULONG BALITAAN NGAYONG ARAW SA KAMARA KAUGNAY SA INIHAIN AT TATALAKAYING RESOLUTION OF BOTH HOUSES NUMBER 7 SA PLENARYO UKOL SA PAG- AMYENDA SA ECONOMIC PROVISIONS NG KONSTITUSYON
AYON KAY SUAREZ, MAHALAGANG ARALIN DIN ITO NG KAMARA PARA MAGKAROON NG MAGANDANG RESULTA DAHIL HINDI NAMAN PWEDENG KUNG ANO LANG ANG GAWA NG SENADO AY BASTA-BASTA PAGTITIBAYIN NA LANG NG MABABANG KAPULUNGAN.
DAPAT DIN KASI ANIYANG MAUNAWAAN NG MGA KONGRESISTA KUNG PAANO NILA IPAPALIWANAG SA KANILANG MGA CONSTITUENTS ANG MAGIGING PAG-AMYENDA SA SALIGANG BATAS.
KASABAY NITO PAKIUSAP NG KONGRESISTA SA SENADO SANA AY WAG NAMANG TUMAGAL MASYADO ANG DELIBERASYON SA RBH NUMBER 6 DAHIL PAGKATAPOS NG SONA AY SUSUNOD NA ANG BUDGET HEARING NA PAGTUTUUNAN NG MAS MARAMING ORAS NG KAMARA.
SAPAT NA RIN ANI SUAREZ ANG SINABI NG PANGULO BILANG HUDYAT NA SIMULAN NG SENADO AT KAMARA ANG KANILANG TRABAHO UKOL SA PAG-AMYENDA SA ECONOMIC PROVISION NG 1987 CONSTITUTION
HINDI NA RIN ANIYA KAILANGANG UTUSAN PA NG PANGULO ANG KAMARA AT HINTAYIN ANG SASABIHIN NITONG DEADLINE BAGO MAGTRABAHO.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home