Isa
Kinuwestyon ni House Committee on Constitutional Amendments chairman at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang pagtutol ng Department of Education o Deped sa panukalang economic Charter Change o Cha-Cha.
Una rito, inihayag ng Deped sa deliberasyon ng Resolution of Both Houses no. 7 na kontra ang Kagawaran sa pagpapahintulot sa “foreign ownership” sa basic education institutions.
Binanggit pa ng Deped na nangangamba sila sa posibleng banta nito sa “national security.”
Pero ayon kay Rodriguez, hindi ba’t lahat ng miyembro ng gabinete kasama ang kalihim ng Deped na si Vice President Sara Duterte ay “alter ego” ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Giit ni Rodriguez, mismong si Pres. Marcos Jr. ang nag-anunsyo na itinutulak niya ang pag-amyenda sa ilang economic provisions ng 1987 Constitution.
Ito ay upang maging bukas ang Pilipinas sa mas maraming mamumuhunan.
Kung ang Deped ay hindi sang-ayon sa economic Cha-Cha, ang Commission on Higher Education o CHED naman ay pabor.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home