Mar
“NAGBABALA ang isang kongresista na tinaguriang “Alas ng Mindanao” na kapag nasagad ng husto ang pasensiya ng mga Pilipino dahil sa pangbu-bully ng China ay tiyak na maghahalo ang balat sa tinalupan”.
Ito ang ipinahayag ng tinaguriang “Alas ng Mindanao” na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace “Alas” S. Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na nakahandang makipagtulungan ang Pilipinas sa China kaugnay sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).
Subalit binigyang diin ni Barbers na kapag ang issue na ng WPS partikular na ang kasarinlan o sovereignty ng Pilipinas ang nasaling maaaring mag-iba na ang timplada ng mga Pilipino sapagkat kinakailangang ipagtanggol ang ating kaparapatan sa lugar na pilit na inaagaw ng China.
Kinatigan din ni Barbers ang pahayag mismo ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na nakahanda ang Pilipinas na makipag-ugnayan sa China patungkol sa interes ng dalawang bansa. Subalit nakahanda rin ang bans ana igiit ang kasarinlan nito sakaling ipagwalang bahala ito ng China.
“Hindi na natin siguro kailangang pag-isipan pa or i-memorize pa kung ano ang motibo ng mga Makabagong Makapili sa ating bansa. China and its officials may have been emboldened to their thing at the WPS because of the apparent direct and indirect support extended them by some unscrupulous Filipinos which labeled as Makabagong Makapili,” ayon kay Barbers.
Nauna ng sinabi ni Barbers na ang aksiyon ng China sa WPS patungkol sa paglalagay nila ng Chinese Navy at Coast Guard ships sa Kalayaan Group of Islands ay isang panibagong pangbu-bully paninindak nito sa Pilipinas.
Binigyang diin ni Barbers na isa lamang ang ibig ipakahulugan ng China. Nais aniya nilang takutin at sindakin ang mga Pilipino upang igiit nila ang kanilang hangarin na tuluyan ng angkin ang WPS sa pamamagitan ng kanilang pangbu-bully.
“HINDING-HINDI titindig ang balahibo ng mga Pilipino sa “show of force” na ipinapakita ng China sa West Philippine Sea (WPS)”.
Ito ang mariing ipinahayag ng tinaguriang “Alas ng Mindanao” na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace “Alas” S. Barbers kaugnay sa tinawag nitong mapangahas na aksiyon ng China sa WPS patungkol sa paglalagay nila ng Chinese Navy at Coast Guard ships sa Kalayaan Group of Islands.
Binigyang diin ni Barbers, anak ni yumaong Senator Robert Z. “Bobby” Barbers, na isa lamang ang ibig ipakahulugan ng China. Nais aniya nilang takutin at sindakin ang mga Pilipino upang igiit nila ang kanilang hangarin na tuluyan ng angkin ang WPS sa pamamagitan ng kanilang pangbu-bully.
Sinabi ni Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na kung akala ng China ay nagagawa nitong panginigin o masindak sa takot ang mga Pilipino dahil sa kanilang naging aksiyon ay nagkakamali umano sila. Sapagkat lalo lamang nilang pinalalakas ang sentinyento ng mga Pinoy.
Ayon sa kongresista, hindi sindak o takot ang nararamdaman ng mga Pilipino dahil sa ginawa ng China. Kundi lalo umanong nagngingit-ngit sa galit ang mga mamamayan dahil sa tinatawag na “bullying tactics” ng nasabing bans ana itinuturing na isang sampal at insult para sa mga Pilipino.
“Kung inaakala ng China na masisindak nila tayong mga Pilipino. Nagkakamali sila, kilala tayong mga Pilipino na matatapang. Kapag tayo’y nasusugatan mas lalo tayong tumatapang, dahil sa kanilang ginawa. Mas lalo lamang nilang pina-igting anf setimyento ng ating mga kababayan,” sabi ni Barbers.
Idinagdag pa ni Barbers na sinusuportahan nito ang pahayag ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na makikipag-tulungan ang Pilipinas sa China. Subalit iba na aniyang usapan kung ang issue ng kasarinlan na ang nakataya.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home