𝗠𝗔𝗥 𝗥𝗼𝗱𝗿𝗶𝗴𝘂𝗲𝘇
_____
Maraming Pinoy ang hindi na kailangang mag-abroad kung tatanggalin ang economic restrictive provision sa 1987 Philippine Costitution, ayon sa isang dating OFW
_____
HINDI na kailangang pang mangibang bansa ng mga Overseas Filipino Wokers (OFWs) kung dito pa lamang sa Pilipinas ay mayroon ng maayos na trabaho o malaking sahod para sa mga Pilipino.
Ito ang ipinahayag ng dating OFW na si Orion Dumdum sa pagpapatuloy ng hearing ng Committee of the Whole na posibleng na mag-uwian sa Pilipinas ang mga kagaya niyang OFWs sakaling tatanggalin ang tinatawag na “restrictions” na nakapaloob sa 1987 Philippine Constitution.
Ipinaliwanag naman ni Dumdum na kung tanggalin ang mga naka-angklang restrictions sa Konstitusyon. Inaasahan aniya na magkakaroon ng increase sa foreign investments, magkakaroon ng maraming trabaho at maaaring hindi na aalis ng bansa ang mga OFWs para magtrabaho sa ibayong dagat.
Binigyang diin ni Dumdum na hindi na kakailanganin pang mangibang-bansa ang mga Pilipino kung mayroon naman maayos at malaking sahod dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga papasok na “foreign companies”. Kung saan, mangyayari lamang aniya ito kung aalisin ang nasabing restrictions.
Bilang inimbitahang resource person, iminumungkahi pa ni Dumdum na tuluyan ng tanggalin ang mga restrictions sa economic provision ng Saligang Batas. Taliwas naman sa pagnanais ng mga pro-charter amendments advocates na gusto lamang nilang ilagay ang “phrase” na “as provided by law”.
“The effect of reducing foreign equity restrictions is the strongest, denoting its relatively greater importance as a statutory barrier for investors. Yan ang reality, joint foreign chambers have repeatedly said they want these restrictive economic provisions in the Constitutions out,” sabi ni Dumdum.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home