Tuesday, February 27, 2024

Hajji

May agam-agam ang Joint Foreign Chambers of the Philippines sa ilang kataga na nakapaloob sa planong amiyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.


Sa liham ng Joint Foreign Chambers of the Philippines kay House Speaker Martin Romualdez, nagpahayag ito ng suporta sa pag-alis sa restrictive provisions ng Saligang Batas dahil magdudulot ito ng mas mataas na foreign direct investment o FDI inflow sa bansa.


Pero ang mga katagang "unless otherwise provided by law" sa pag-amiyenda sa mahigpit na economic provisions ay maaaring hindi umano magpadala ng malinaw na mensahe ng direktang pagbabago para sa mga dayuhang mamumuhunan.


Sa kabila nito, naniniwala ang JFC na makatutulong pa rin ito sa pagtugon sa mga pagbabago sa global economy mula nang mabuo ang 1987 Constitution kabilang ang paglagda sa free trade deals at paglahok sa free trade blocs.


Paliwanag ng joint foreign chamber, binibigyang-diin nito ang pangangailangan ng malayang paggalaw ng kapital pagkakaroon ng patas na playing field sa pagitan ng foreign at domestic investors nang walang restrictions.


Idinagdag pa sa liham kay Romualdez na kinikilala ng foreign chambers ang mandato ng gobyerno na protektahan ang pambansang interes sa pamamagitan ng pagpapataw ng ilang restrictions sa FDI.


Karamihan anila sa national economies ay gumagamit ng legislation o executive regulations kung saan agad na naipatutupad ang adjustment sa regulatory environment para sa FDI upang makasabay sa pagbabago sa teknolohiya at tatalima sa requirements ng international treaties.


Ang JFC ay binubuo ng American, Australian-New Zealand, Canadian, European, Japanese at Korean chambers pati na ang Philippine Association of Multinational Companies Regional Headquarters.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home