Tuesday, February 27, 2024

hajji 

Sinuportahan ng economic managers ng administrasyong Marcos ang hakbang ng Kamara na amiyendahan ang restrictive economic provisions ng Konstitusyon.


Sa pag-arangkada ng diskusyon sa Committee of the Whole para sa Resolution of Both Houses Number 7, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na kinikilala nila ang kahalagahan ng pag-update sa economic provisions ng Saligang Batas.


Upang makamit aniya ang "ambitious" na pagpapababa sa single-digit level ng kahirapan sa bansa sa taong 2028 ay kakailanganin ang pagbuhos ng investments sa physical at social infrastructure at human capital.


Ipinunto ni Balisacan na sa mga nakalipas na dekada ay naungusan na ng mga kapitbahay na bansa Southeast Asia ang Pilipinas dahil sa pagbagsak ng foreign direct investment o FDI inflows dulot ng masyadong mahigpit na probisyon.


Bilang miyembro ng academic community at estudyante ng Philippine economic development, napag-aralan umano nila na ilang beses nagmintis ang pagkakataon para sa bansa na makahikayat ng FDI upang iangat ang productivity at competitiveness nito.


Gayunman, nilinaw ni Balisacan na hindi economic Charter Change ang nag-iisang solusyon sa mga hamon sa ekonomiya.


Nararapat din umano na tugunan ang problema sa mataas na presyo ng kuryente, kakulangan sa connectivity infrastructure, mabagal na bureaucratic processes, inconsistent na local at national regulations at nakababahalang "learning poverty" at malnutrisyon.


Kapwa naniniwala naman ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of Trade and Industry na makakamit ng pag-amiyenda sa economic provisions ang kaunlaran, matatag na pananalapi, paglikha ng maraming trabaho at access sa modern utilities.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home