Friday, March 01, 2024

SABAY MAN O HINDI ANG PLEBISITO AT 2025 ELECTIONS, HANDA ANG COMELEC SA PAGDAOS NITO

kath 

Muling siniguro ni COMELEC Chair George Garcia na handa ang poll body na magdaos ng plebisito para sa panukalang economic charter amendment—isabay man ito o hindi sa 2025 mid-term elections.


Ginawa ito ni Garcia sa kaniyang pagbisita sa Kamara kung saan ginaganap ang Register Anywhere Program o RAP.


Aniya, susunod lang sila sa kung ano ang magiging atas ng Kongreso at kung ano ang mapagkakasunduan ng Kamara at Senado hinggil sa pagdaraos ng plebisito.


Matatandaan na sa panayam kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sinabi niyang kailangang aralin mabuti ang mungkahi na isabay ang plebisito sa 2025 mid-term polls.


Bagamat makakatipid kasi ay posibleng may usaping legal naman ito.


Kinumpirma ni Garcia na wala nang magiging gastos kung pagsasabayin ang plebisito at halalan sa 2025 dahil pahahabain lang naman ang balota.


Sakali naman na ihiwalay ito, gagastos ang poll body ng P13 billion.


Pero tama rin aniya ang pangulo na dapat itong aralin dahil hindi aniya ordinaryong batas lang ang isasalang sa plebisito.


“Kami po naman kung anong ipag-uutos talaga. Yun ang katotohanan. Kung anong sabihin ng Kongreso at mapagkasunduan ng Senate at House na dapat isabay (ang plebiscite at midterm elections ay) handang handa po ang Comelec. Yun po, walang gastos na dagdag yun. Sapagkat pahahabain lang ng konti yung balota. Kaya lang ang sabi din po natin magandang mapag-aralan din sapagkat maganda rin na doon lang naka-focus itong mga kababayan natin sa issue ng pagbabago sa Saligang Batas. Saligang Batas kasi yan eh di naman ordinaryong batas din yan. Therefore, nandun din ang legal issue na huwag isabay. Basta kami handang handa po ang inyong Komisyon whether separate siya o isabay, handa po kaming isagawa ang plebisito,” sabi ni Garcia.


##


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home