Tuesday, February 27, 2024

ISANG ‘FRUITFUL’ NA DISKUSYON SA RBH 7, IPINANGAKO NG HOUSE COMMITTEE OF THE WHOLE


Ipinaliwanag ng mga miyembro ng Kamara sa isang pulong-balitaan ngayong Lunes ang kahalagahan ng pagpupulong bilang committee of the whole, na tatalakay sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 7, na nagpapanukala ng mga amyenda sa mga Articles XII, XIV at XVI ng 1987 Konstitusyon. 


Ayon kay Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-Jay” Suarez, aasahan ng mga Pilipino ang isang “very fruitful, enlightening, exhaustive and inclusive discussion and deliberation” sa panukala. "(In convening the Committee of the Whole) we wanted to have the participation of all 300 plus Congressmen in the deliberation, because being the voice of their respective sectors and their respective districts, it is important that they also give their opinions and they also give their ideas when it comes to amending the Constitution," aniya. 


Bagama’t may direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Senado na pangunahan ang pagtalakay sa mga pagbabago sa mga probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon, binigyang-diin ni Suarez ang kahalagahan ng pagkilala sa opinyon ng bawat miyembro ng Kamara. 


Bukod pa rito, binanggit niya na mahalaga rin para sa Kamara na talakayin ang kanilang counterpart measure, imbes na awtomatikong pagtibayin kung ano ang magiging pasya ng Senado kaugnay ng mga kritikal na panukala. 


"So para magkaroon ng mas magandang output, it is vital for us, for the House to come up and to have our own deliberations on RBH 7 because this will really show the true intention of congressmen when it comes to amending the Constitution," dagdag niya. 


Binigyang-diin naman ni Isabela Rep. Faustino Dy V na ito na ang pinakamagandang pagkakataon para sa Kamara na talakayin ang RBH No. 7 bilang committee of the whole.


"And at the end of the day, ang boboto naman po dito, ang huling may say po dito, ay ang taong-bayan. So let us begin the deliberations, i-propose po natin kung anong mga amendments or economic provisions na dapat palitan, and at the end of the day, ang ating mga kababayan naman po ang boboto para dito," ayon kay Dy. 


Ipinapalagay naman ni Taguig City Rep. Amparo Maria Zamora na ang committee of the whole ay isang magsaganang panimula sa mga pagsisikap na maamyendahan ang Konstitusyon. 


Binanggit niya na mga dalubhasa at mga resource persons ay inanyayahan upang linawin at sagutin ang mga katanungan ng mga mambabatas, upang magarantiya ang komprehensibong diskusyon sa paksa.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home