Tuesday, February 27, 2024

SUPORTA SA MGA LGU, TINIYAK NI SPEAKER ROMUALDEZ

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez ang suporta ng Kamara sa local government units na magkaroon ng mas malaking parte sa taunang budget.


Sa kanyang mensahe sa general assembly ng League of Municipalities of the Philippines, sinabi ni Romualdez na malinaw ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na gawin ang lahat ng nararapat upang makinabang ang mga komunidad sa kaunlaran ng buong bansa.


Ayon sa kanya, naglaan na ng mas malaking pondo ang Kamara sa LGUs bilang pagkilala sa Mandanas ruling ng Korte Suprema na nagdadagdag ng local government share mula sa pambansang buwis.


Paliwanag ng lider ng Kamara, pinagtitibay ng ruling ang fiscal autonomy ng LGUs sa pagtugon sa pangangailangan ng nasasakupan na malinaw na sinasalamin ng 2024 National Budget partikular sa national tax allotment.


Maisasakatuparan umano ang local development projects na nagsusulong ng sustainable development goals dahil sa mas malaking alokasyon.





Batid din ng House leader na hindi sapat ang isinasaad ng Mandanas ruling ngunit handa ang Executive Department na makipagtulungan para tumukoy ng karagdagang resources sa LGUs.


Dagdag pa ni Romualdez, may mga panukalang batas nang tinatalakay ang Kamara na layong itaas ang NTA share ng local governments kasabay ng pagbibigay-diin sa papel ng mga ito sa pagkamit ng SDGs at pagresolba sa problema sa kahirapan, kalusugan, trabaho at climate change.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home