PAGSUSULONG NG CHA-CHA SA EKONOMIYA, SUPORTADO NG MGA PUBLIC UTILITIES
Nagpahayag ng suporta ang mga inanyayahang resource persons mula sa mga public utility organizations, sa pagsama ng katagang “unless otherwise provided by law” sa mga may kaugnayang probisyong pang-ekonomiya sa Konstitusyon, sa ikatlong pagpupulong Committee of the Whole sa Kamara ngayong Miyerkules.
Ayon kay Manila Electric Company (Meralco) Senior Vice President Atty. Jose Ronald Valles, ang hakbang sa pag-amyenda ng Article XII ng Konstitusyon ay nagtataglay ng mahalagang potensyal, upang makahikayat ng malaking pamuhunan sa power sector ang bansa, at magdudulot aniya ng malaking kumpetisyon tungo sa mas maunlad na kalidad ng serbisyo at abot-kayang halaga, gayundin ang pagtugon sa kakulangan ng suplay, at kahandaan sa pangangailangan sa enerhiya sa hinaharap.
Isinasaad sa Article XII, Section 11 ng Konstitusyon ang pamamahala ng pag-aari ng mga public utilities.
Ipinaabot ni Michael Ted Macapagal, chairman ng Philippine National Railways (PNR), ang pagbati ng PNR sa dalawang kapulungan ng Kongreso, sa pagsusulong sa mga repormang lehislatura, upang tugunan ang mga pangangailangan sa pagalgo ng ekonomiya ng bansa.
“The phrase ‘unless otherwise provided by law’ categorically requires the Congress to pass laws that would specifically govern a particular kind of public utility. Through these future legislative enactments, matters concerning a specific public utility can undergo meaningful discussions and deliberation. In turn, this would eventually result in the adaptation of rules and regulations, policies that are responsive to the dynamics of a particular public utility and in a larger scale, to the changing needs of the economy,” ani Macapagal.
Binanggit ni Macapagal na ang Kagawaran ng Transportasyon ay nakapaggawad na ng ilang kontrata sa mga dayuhang korporasyon sa umiiral nilang railway projects, partikular na ang mga kontrata sa civil works kaugnay ng North-South Commuter Railway Project (NSCR).
“This is consistent with the definition on concession under Section 2C of the Public Service Act as amended. The technical expertise and financial capabilities of foreign corporations in constructing, maintaining, and operating railway transport systems will provide economic advantages to the country.
The advance technological knowledge that foreign corporations possess will significantly contribute to the development of modernized railway transportation system in the Philippines,” aniya.
Pinuri niya ang inisyatibang public-private partnership ng pamahalaan, at sinabing ginagarantiya ng nasabing hakbang na ang bansa ay mababahagian ng mga kaunlaran sa teknolohiya sa pamamahala, mga operasyon at pagmamantine ng railway services.
Ipinunto naman ni Lawyer Elpidio Vega, chairperson ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Board of Trustees, kung papaano ang mga water concessionaires ng MWSS ay nagmamantine ng istraktura ng pag-aari na hindi sakop sa itinakda ng 1987 Konstitusyon.
“We ultimately submit to the wisdom of the House and we would like to underscore the flexibility resulting in the inclusion of the phrase ‘unless otherwise provided by law’ which could result in future scenarios wherein the ownership structures of MWSS concessionaires or any other public utility could be fully foreign or provided by the subsequent laws alternatively have Filipino ownership percentage,” ayon kay Vega, at idinagdag na ang porsyento ay, “be dependent upon the necessity suitable and favorable to the economy.”
Sinabi ni Commissioner Ella Blanca Lopez of the National Telecommunications Commission (NTC) na ang kanyang tanggapan ay patuloy na susuporta sa mga hakbang upang gawing liberal ang industriya ng serbisyo ng mga telekomunikasyon sa bansa, lalo na ang hakbang ng Kongreso sa pag-amyenda sa mga probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon, at tiwala siya na ang hakbang ay, “will make our legal and regulatory framework more adaptive and responsive to the ever-changing needs of time.”
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home