Friday, March 01, 2024

kath

Naniniwala si House Special Committee on the West Philippine Sea Chair at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II na dapat ay ipagpatuloy lang ng Pilipinas ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China.


Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na worrisome o nakababahala ang ulat ng Philippine Coast Guard na nagkaroon ng pagtaas sa insidente ng communication interference sa tracking signal ng mga barko ng Pilipinas.


Maliban pa ito sa namataang tatlong People’s Liberation Army Navy warship sa bahagi ng Bajo de Masinloc.


Ayon kay Gonzales, sa kanilang panig ay maaari lamang silang magpatawag ng briefing at palagiang komonikasyon kasama ang Task Force West Philippine Sea.


Ang diplomatic protest na aniya ang pinaka mainam na hakbang na gawin ng Pilipinas kahit pa para sa iba ay parang wala itong nareresolba.


Punto ng mambabatas mensahe ito na hindi mananahimik ang Pilipinas sa panggigipit ng China.


“nagkakaroon naman ng diplomatic protest because while some might view wala naman nangyayari sa diplomatic protest na yan because in fact, by this time siguro we have made and dami nang diplomatic protest but wala pa ring action…because we have to show to the world that  we are not relinquishing our claim. Kasi…for us to be silent, pag may ginawang ganito, hindi na natin pinapansin, edi yung mga countries who are supportive of our cause will also lose ano na rin interest,” paliwanag ni Gonzales


##


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home