Friday, March 01, 2024

Isa

Ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP ang sagot sa pangangailangan ng minimum wage earners at nasa “near poverty line” sa bansa. 


Ito ang sinabi ng Congressional Policy and Budget Research Department o CPBRD, bilang posisyon sa tinatalakay na mga panukalang batas sa Kamara ukol sa dagdag-sahod para sa mga manggagawa. 


Ayon kay Manuel Aquino ng CPBRD, ang legislated wage increase ay “highly distortionary.” 


Aniya, lalakas din ang “demand” ng taas-sahod lalo na mula sa kumikita ng “above minimum wage” dahil kung maisasabatas ang mga panukalang umento ng minimum wage earners, halos papantay na sa kanila ang sweldo gayung magkaiba naman ang kanilang trabaho at productivity. 


Ayon kay Aquino, mas mabuting ipaubaya na lamang sa regional wage boards ang usapin ng mga dagdag-sweldo, habang ang Kongreso ay mag-isip ng ibang paraan upang matulungan ang mga manggagawa, habang tinutulungan din ang business sector na magkaroon na mas mabuti at de-kalidad na mga trabaho. 


Suhestyon pa ng CPBRD, palakasin ang AKAP. Ang halos P27 billion na alokasyon para rito sa ilalim ng General Appropriations Act ay makakatulong sa mga manggagawa, na apektado ng inflation. 


Ani Aquino, sana ay suportahan ng NEDA at DOLE ang AKAP, na isang napapanahon at “responsive” na programa. 


Matatandaan na nabalot ng kontrobersiya ang AKAP matapos na masangkot sa People’s Initiative o pagkalap ng mga pirma para sa Charter Change o Cha-Cha.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home