Hajji-
Kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez na mararamdaman na ng mga senior citizen at persons with disabilities ang 500 pesos na pagtaas ng diskwento kada buwan sa groceries at iba pang prime commodities bago matapos ang Marso.
Ito ang napag-usapan sa pakikipagpulong ni Romualdez sa mga opisyal ng Department of Trade and Industry kung saan napagbigyan ang hirit na karagdagang diskwento para sa nakatatanda at PWDs.
Ikinatuwa ni Romualdez na maipatutupad na ito sa susunod na buwan lalo’t una na niyang isinulong ang 5 percent na dagdag sa diskwento kada linggo.
Sa kasalukuyan kasi ay 64 pesos ang weekly discount sa bawat kabuuang purchase value na 1,500 pesos na hindi na sapat dulot ng mataas na cost of living.
Punto ng House leader, ang naturang inisyatiba ay nagpapakita ng commitment ni Pangulong Bongbong Marcos na itaguyod ang inclusivity at social justice.
Ipinaliwanag naman ni DTI Undersecretary Carolina Sanchez na bagama’t nagpapatuloy pa ang proseso ng konsultasyon sa stakeholders, maaaring mailabas na ang inter-agency circular para sa implementasyon ng dagdag na diskwento sa Marso.
Sakop ng diskwento ang bigas, mais, tinapay, karne, isda, manok, itlog, mantika, asukal, gulay, prutas, fresh at processed milk, sardinas, corned beef at processed meat.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home