USAPIN SA MINIMUM WAGE HIKE, NANGANGAILANGAN NG MAINGAT NA PAGPAPASYA AYON SA MGA MAMBABATAS
Ipinahayag ng mga miyembro ng Kamara ngayong Miyerkules ang pangangailangan ng lubos ng pag-iingat, hinggil sa mga panukala upang itaas ang minimum wage para mga manggagawa sa pribadong sektor.
Sa pulong balitaan na idinaos sa Kamara, sinabi ni House Deputy Majority Leader at Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II na isang masusing pag-aaral ang dapat na gawin sa mga implikasyon na idudulot ng legislated wage increase.
“There is a need to balance between the wage earners and employers that in so far as the legislated wage hike is concerned, I don’t want to sound a party popper, pero I would take refuge on the famous words of the late Inday Badiday, ‘careful, careful’. The worst that can happen is to give too much hope on our workers na hindi naman kakayanin. Alam naman natin, you have to strike a balance between yung sumusweldo at saka dun sa nagpapasweldo. It’s not as easy as it looks,” ayon kay Gonzales.
Hindi rin aniya dapat na maging sanhi ito ng tanggalan sa trabaho.
“So meaning, on the part of the laborers who would like to have a wage increase, they should also be prepared na may mga kumpanya na hindi makakayanan (ang wage hike). Kaya there should be a balance. Kaya nga sabi ko "careful, careful" kasi the worst that can happen baka ang mangyayari, ayaw ko naman sabihin baka magpa-pogihan ang Senate at saka House eh P100 kayo P300 kami..... hindi P300 sila P400 na tayo, Pataasan nalang ang mangyayari, unmindful of the fact that at the end of the day wala tayong ma-aprubahan dahil kasi magiging prohibitive na nga,” dagdag pa ni Gonzales.
Ipinunto ni ANAKALUSUGAN Party-list Rep. Ray Reyes kung papaano ang mga MSMEs (micro, small and medium enterprises), batay sa mga survey sa lansangan, ay makakayanan ang naturang halaga.
“Ang tingin po namin is we could do one better than the P100. We are looking at around P150 to P350. We have to test where the balance point is, para dito sa wage hike po natin. Alam naman po natin na tumataas ang mga presyo ng bilihin and marami din naman tayong pagkakagastusan. We could do it better. Hindi lang wage hike ang titingnan po natin dito, kasi ang mahalaga po hindi yung gaano kalaki yung sweldo, kundi kung gaano kalaki ang naiipon natin pag natapos nating bayaran yung mga gastusin natin.,” ani Reyes.
Binigyang diin ni Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almario na hindi tutol ang Kamara sa wage hike increase. “If anything, we welcome that kind of initiative because we see that there is also a need for the Filipino people, or especially those low income earners to get also additional pay or at least in the case of what was said, to be able to get more after all the necessary expenditures,” aniya.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home