Thursday, April 04, 2024

Target ng pamunuan ng Toll Regulatory Board na na ipatupad ang barrierless o Multi-Lane Fast Flow (MLFF) toll sa huling bahagi ng taon.


Ayon kay TRB Exectuive Director Alvin Carullo ang unang phase ng kanilang solusyon ay gawing contacless ang pagbabayad sa lahat ng toll sa Hunyo at susundan naman ito ng interoperability phase 3 kung saan iisa na lang ang kakailanganing RFID account at wallet na gagamitin sa lahat ng expressways.


Panghuli naman dito ang pagaalis sa mga barrier sa mga toll upang tuloy-tuloy na lang ang pasok ng mga sasakyan.


Ayon kay Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) president and chief executive officer Rogelio Singson, operator ng NLEX, NLEX Connector at SCTEX, inaasahang maipapatupad ang unang phase ng MLFF sa Nobyembre.


Uumpisahan ito sa mga entry points kung saan aalisin na ang lahat ng toll booth at matapos ang isang taon ay saka naman aalisin ang sa exits.


Mayroon lamang mga camera na siyang tutukoy sa RFID at plate number ng sasakyang mga dadaan.


Katunayan ganito na aniya ang ginagawa sa NLEX Connector.


Aminado si Singson na dating nagsilbing DPWH secretary na hindi na kaya ng NLEX ang volume ng mga sasakyang dumadaan.


Kaya isa rin sa kanilang plano ay ang pagpapatayo ng elevated expressway mula Balintawak hanggang Bocaue.


Paliwanag ni Singson ang nangyaring traffic jam noong Miyerkules Santo ay dahil sa pumalo ng hanggang 87,000 ang volume ng mga sasakyang dumaan sa NLEX kahit pa nasa 30,000 hanggang 40,000 lang ang kanilang kapasidad.


Maliban dito mayroon ding mga sasakyan na kung hindi kulang o walang load ang RFID at hindi na gumagana ang RFID sticker,


Sa kanilang pagtaya, nag resulta ito ng dalawa hanggang apat na oras na delay sa pagdaloy ng mga sasakyan.


Kaya umapela rin si Singson sa mga motorista na may depektibo nang RFID na papalitan na ito.


##


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home