EPEKTO NG KASUNDUAN SA PANDEMYA SA BANSA, SINIYASAT NG MAGKASANIB NA KOMITE
Tinalakay ng mga Miyembro ng mga Komite ng Human Rights at ng Public Order and Safety sa Kamara, sa magkasanib na pagdinig ang mga implikasyon ng pandemic treaty at ng international health regulations (IHR), sa implementasyon ng bansa sa mga polisiya at programa sa pambansang kalusugan.
Nagpahayag ng pagkabahala si Committee on Public Order and Safety chairman Rep. Dan Fernandez sa kasunduan, sa inihain niyang House Resolution (HR) 1481, at sa IHR kung saan ay sapilitan itong ipatutupad ng mga bansang miyembro ng World Health Organization (WHO), isang taon matapos itong aprubahan.
Kasalukuyang tinatalakay ang tratado, at ang IHR ay umiiral sa World Health Assembly (WHA) sa Geneva, Switzerland, na magtatapos sa ika-1 ng Hunyo 2024.
Batay sa HR 1481, ang pag-aalala ni Fernandez ay nakatuon sa WHO, dahil sa tratado at sa IHR na, “arrogating unto itself absolute and no-questionable leadership in all health matters… aiming for its advice to become ‘legally binding’ on the part of (WHO) member-states… (with) the power to impose on people all kinds of access restrictions, lockdowns, surveillance and experimental treatments (and) the right to define various health situations and to control all information related to health… with no provision for a mechanism that will allow member-states to challenge WHO’s assessments.”
“Magkakaroon na tayo ng mandatory lockdowns, mandatory po yung surveillance, treatments po natin kung ano yung sasabihan nila yun ang susundan natin. In other words, lahat po yan na sasabihin ng WHO through the amendments of the International Health Regulation (the country will be legally bound to follow). Hindi na po siya dadaan sa Senado, ito pong pandemic treaty na ito,” ayon kay Fernandez sa isinagawang pagdinig.
Ipinunto ni Fernandez na tinanggihan ng New Zealand ang pandemic treaty, kabilang ang Estonia at Slovakia. Kontra rin ang apatnapu't dalawang US Republican senators at 24 Republican governors sa pandemic treaty “because their sovereignty is at stake,” ani Fernandez.
Sumang-ayon naman si First District Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong sa pananaw ni Fernandez sa nasabing tratado. “It is some sort of an imposition, I want to zero in on that premise, because that is scary, that’s really scary” ani Adiong at idinagdag na, “no treaty can be effective without a parallel domestic law.
The enforceability of a treaty can never be enforced without the Senate’s ratification, and therefore so many other treaties can only be enforceable if it has a parallel domestic law to implement that.”
Inihalintulad ni Committee on Human Rights chairman Rep. Bienvenido Abante ang pandemya sa isang Pandora’s box, “Some four years after the pandemic struck the host of pandemic related issues continue to confront us as articulated in HR 1481, the recent news reports on the rise of Covid cases with the Flirt variant exacerbates the underlying issues of this joint congressional probe, while some questions had been vaguely answered in the previous hearings, still many more issues have been exposed.”
Ayon kay Atty. Tanya Karina Lat ng Lunas Pilipinas, wala pang pinal na teksto ang pandemic treaty. Binanggit ni Department of Health Epidemiology Bureau Nurse V Richelle Abellera na mayroong pag-aaral ang isang grupo na patuloy na nililinis ang mga panukalang amyenda ng Pilipinas sa IHR, at ipagpapatuloy naman ng DOH ang talakayan sa mga kaugnay na mga miyembrong bansa.
Sinabi ni Dr. Anna Marie Celine Garin ng DOH, na ang pandemic treaty at mga amyenda sa IHR ay isasailalim sa ratipikasyon ng Senado.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home