Thursday, May 30, 2024

Dapat ikasa na ang agresibong flu and pnuemonia vaccination para sa mga healthcare workers, senior citizens at mga immunocompromised.


Ito ang rekumindasyon ni Iloilo 1st District Representative Janette Garin, naging dating kalihim ng Department of Health bilang paghahanda sa banta ng Flirt variant ng Covid 19 virus.


Ayon kay Garin, mahalaga sa Department of Health ang paulit-ulit na paalala sa publiko na maghugas ng kamay, maayos na hygiene practices at pagkain ng masustansiya.


Sabi ni Garin, patuloy ang pagkalat ng Flirt variant sa ibang mga bansa pero ang mahalaga ay ang kakayahan ng ating health workforce na i-manage ang kaso nito para sa kaligtasan ng publiko sakaling maitala sa Pilipinas.


Hikayatin din anya ang publiko na agad na magpa-konsulta kung may flu like symptoms.


Una rito, ipinailalim na sa “heightened alert” at masusing ipatutupad ang screening sa mga dayuhan at Filipino na manggagaling mula sa mga bansa na may naiulat na kaso ng Flirt variants ng Covid-19.


Base sa news reports, na-detect na ang Flirt variants sa Singapore, Thailand, India, China, Hong Kong, Nepal, Israel, Australia, New Zealand, United States at labing-apat na bansa sa Europa kabilang ang United Kingdom.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home