Speaker Romualdez pinuri si PBBM sa mga kasunduang nalagdaan sa state visit nito sa Brunei
Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga kasunduang nalagdaan sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa dalawang araw na state visit nito sa Brunei, na lalo umanong magpapalakas sa bilateral relations ng dalawang bansa.
Ayon kay Speaker Romualdez inaasahan na makikinabang ang mga Pilipino sa mga naselyuhang kasunduan.
"President Ferdinand R. Marcos, Jr.'s state visit to Brunei has been a resounding success, marked by significant achievements that will undoubtedly bolster our nation's economic and diplomatic standing," ani Speaker Romualdez.
"The House of Representatives extends its heartfelt congratulations to the President for his adept leadership and vision in fostering closer ties with Brunei," dagdag pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.
Sa kanyang pagbisita, pumunta si Pangulong Marcos sa mga high-level meeting kasama si Sultan Haji Hassanal Bolkiah at iba pang matataas na opisyal ng Brunei.
Sa unang araw ng pagbisita, tatlong Memorandum of Agreements ang nilagdaan para palakasin ang kooperasyon sa turismo ng Pilipinas at Brunei Darussalam; pagkilala sa Mutual Recognition of Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) certificate; at pagtutulungan ng maritime sector.
Nilagdaan din ang Letter of Intent (LOI) para sa pagpapatuloy ng Memorandum of understanding sa food security at agricultural cooperation.
Sa isinagawang Philippine Business Forum nitong Miyerkoles, isang MOU ang nilagdaan ng ASEAN Business Advisory Council – Philippines and Brunei, National Chamber of Commerce and Industry of Brunei Darussalam (NCCI), at Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).
"The agreements forged during this state visit are a testament to the strong and enduring relationship between the Philippines and Brunei," sabi ni Speaker Romualdez. "They open up new avenues for collaboration, particularly in trade and investment, which are crucial for our country's economic growth and development."
Nakipag-usap din si Pangulong Marcos sa mga negosyanteng nakabase sa Brunei at hinikayat ang mga ito na magnegosyo sa bansa. Ipinakita rin sa kanila ng Pangulo ang mga oportunidad sa sektor ng agrikultura, enerhiya, teknolohiya, at turismo.
"By promoting our country as a premier investment hub, President Marcos is not only attracting foreign capital but also paving the way for job creation and economic prosperity for our people," saad pa ni Speaker Romualdez.
Iginiit rin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at Brunei sa pagsulong ng interes ng dalawang bansa.
"We are proud of President Marcos' achievements during this state visit, which reinforce our collective efforts to achieve sustainable development and improve the quality of life for all Filipinos," pahayag pa ni Speaker Romualdez.
Nauna rito, tiniyak ni Speaker Romualdez ang suporta ng Kamara de Representantes sa pagtulong sa Executive department upang matupad ang mga inisyatiba ni Pangulong Marcos para mapaganda ang buhay ng mga Pilipino.
Matapos ang biyahe sa Brunei, si Pangulong Marcos ay nakatakdang lumahok sa International Institute for Strategic Studies-Shangri-La Dialogue sa Singapore mula Mayo 31 hanggang Hunyo 1.
Ang Pangulo ay magbibigay ng keynote address sa pagbubukas ng dinner para sa dayalogo sa Mayo 31. (END)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home