Monday, June 24, 2024

₱2.5 MILYON NA TULONG SA MGA NASUNUGAN SA TONDO, KASADO NA NG TANGGAPAN NI SPEAKER ROMUALDEZ

Inihanda na ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang agarang pagpapalabas ng P2.5 milyong cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinamumunuan ni Sec. Rex Gatchalian para sa may 125 pamilyang nasunugan sa Barangay 58 sa Tondo, Manila noong Hunyo 16.


Ang bawat pamilya ay nakatanggap ng P20,000 mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD, ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada, Jr.


Sinabi ni Gabonada na nagdala rin ang Office of the Speaker kasama si Tingog Party-list Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ng 400 food packs para sa mga biktima. Ang pondong ginamit dito ay mula sa personal calamity funds ng mga mambabatas.


Nakatuwang sa pamimigay ng cash assistance at food packs ang tanggapan ni Manila 1st District Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio Jr.


Iginiit ng Office of Speaker Romualdez ang kahalagahan ng agarang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan upang malimitahan ang epekto sa kanila ng pangyayari.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home