Friday, June 21, 2024

BAGONG PILIPINAS SERBISYO FAIR SA BISLIG CITY DINUMOG NG MGA SURIGAONON

Libu-libong mga Surigaonon ang nabiyayan ng mga serbisyo sa ilalim ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na ginawa sa Bislig City, Surigao del Sur umpisa kaninang umaga.


Kasama sina House Speaker Martin Romualdez, Second District at Host Cong. Johnny Pimentel, Gov. Ayec Pimentel, at kasama ang 77 miyembro ng Kamara de Representantes, mga Governor at Opisyal mula sa mga karatig lalawigan ang dumalo sa naturang aktibidad.


Apatnapu’t-anim na national government agencies ang lumabok sa mahigit 217 mga serbisyo ang inalok sa may 90,000 na inaasahang mga benipisyaryo dito sa dalawang araw na festival of services sa BPSF Surigao del Sur.


Ito na ang ika-dalawampung serbisyo fair na ginanap na may layuning maisagawa sa 82 lalawigan sa buong bansa.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE S RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home