Speaker Romualdez, Tingog namigay ng welding kits sa mga scholars
Namigay welding kits sa may 80 scholars nitong Martes ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Tingog partylist Rep. Yedda K. Romualdez, at Rep. Jude Acidre.
Sa pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), 60 scholars mula sa Saint Anthony of School at 20 scholars mula sa Xavier Technical Training Center Corp. ang nabigyan ng welding kit para sila ay magkaroon ng oportunidad na kumita alinsunod sa Special Training for Employment Program (STEP).
Ang pamimigay ng welding kit ay isang patunay ng pagiging seryoso ng Tingog partylist na matulungan ang mga Pilipinong nangangailangan upang bumuti ang kanilang kalagayan ay makatulong sa pagpapa-unlad ng bansa.
Ang distribution program ay dinaluhan nina TESDA Quezon City Representative Jerome Ignacio, at kinatawan ng Tingog partylist na si Denise Geonzon.
Dumalo rin sa pagttipon si Miesha Training Academy President April Nueda para sa distribution program sa Saint Anthony of School at si School Administrator Danica Magat para naman sa Xavier Training Center Corp.
Ang STEP ay isang community-based training initiative na naglalayong tulungan ang publiko na magkaroon ng skills na kanilang magagamit sa pagtatrabaho o pagnenegosyo. (END)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home