Friday, June 07, 2024

hiniling ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa pamahalaan na tiyaking maibibigay ang tulong na kakailanganin ng mga mangingisdang apektado sa pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea.


mensahe ito ni Lee sa harap ng fishing ban na ipinapatupad ng china sa west philippine sea kung saan lalong madedehado ang ating mga mangingisda na kaunti na nga lang ang kinikita ay napagkakaitan pa lalo ng kabuhayan.


giit ni Lee, karapatan natin na malayang makapangisda sa West Philippine Sea, lalo na sa mga tubig na nasa loob ng ating Exclusive Economic Zone na bahagi ng ating teritoryo.


gayunpaman, ipinunto ni Lee na dahil matagal nang may pattern ng pambubully at harassment ang China sa ating mga mangingisda kaya kailangang ihanda at siguruhin ang mabilis na paghahatid ng tulong at ayuda sa mga hindi makapangingisda dulot ng fishing ban.


Diin ni Lee, kung agresibo ang Tsina ay kailangang maging agresibo din tayo sa pagsuporta at pagprotekta sa karapatan ng ating mga mangingisda na makapaghanapbuhay nang ligtas at matiwasay.

######


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home