JUN 6
-Hajji-
Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kabataang mag-aaral na gamitin ang edukasyon at kaalaman para sa ikauunlad ng bansa.
Sa kanyang mensahe sa 48th Commencement Exercises ng Romblon State University, pinayuhan ni Romualdez ang mga nagsipagtapos na maging aktibo sa paghubog sa kinabukasan ng Pilipinas.
Bukod sa pagiging guest of honor, pinasinayaan ng Speaker ang University Information System ng RSU na bahagi ng ICT Modernization Program.
Sinabi ni Romualdez na ang UIS ay isang "Smart Campus Program" na inaasahang magpapalakas sa information management at pabibilisin ang university processes.
Sa pamamagitan ng Campus Portal ay maipo-promote aniya ang engagement at kolaborasyon sa RSU community members upang magkaroon ng conducive na learning environment.
Itinataguyod nito ang automation ng tasks at paiigtingin ang data security measures upang masiguro ang epektibong operasyon at proteksyon ng sensitibong impormasyon.
Binigyang-diin pa ng House leader na ang paggamit ng teknolohiya at innovation ay may layunin na gawing "future-ready" ang mga mag-aaral lalo na ang mga umaangat sa digital world.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home