Friday, July 05, 2024

Garin: Gamot para sa diabetes, hypertension gawing libre


Binigyang-diin ni dating health secretary at House Deputy Majority Leader Janette Garin nitong Huwebes na dapat magbigay ng libreng maintenance na gamot para sa mga taong may diabetes at hypertension, at idinagdag na ito ay dapat na kabilang sa mga tutukan sa ilalim ng 2025 budget sa ilalim ng sektor ng kalusugan.


Ito ay kasunod ng pahayag ni House Speaker Martin Romualdez na titiyakin ng Kamara ang sapat na pondo para sa kalusugan sa panukalang P6.352 trilyong budget para sa taong 2025.


“Maintenance medications ng diabetes at hypertension, that’s very important. Ipatuloy ang Medical Assistance Program (MAP),” aniya ni Garin nang tanungin kung ano ang dapat pang bigyang alokasyon para sa panukalang pondo para sa 2025. 


“Kapag ang gastusin ng kalusugan ay naiibsan substantially, hindi lamang ng PhilHealth, ang mangyayari dyan—‘yung taumbayan makakagalaw, makaka-contribute sa economy,” aniya ng Iloilo First District Representative, at idinagdag na dapat magkaroon din ng libreng cancer treatment.


Sa ilalim ng MAP, binibigyan ng tulong pinansyal ang mga inbidwal na nangangailangan na may kaugnayan sa kalusugan.


Sa kanyang pamumuno sa Department of Health (DOH), nakapagbigay siya ng mga libreng gamot para sa diabetes tulad ng Metformin habang Amlodipine, Losartan, at Metoprolol ay ibinigay para sa hypertension.


Samantala, pinaalalahanan ni Garin ang publiko na isagawa ang malusog na pamumuhay at iwasan ang mga hindi malusog na gawain tulad ng physical inactivity, paninigarilyo, at pag-inom ng alak.


“Pinakamahalaga pa rin na panatilihin malusog ang ating kalusugan, tiyakin na may sapat na ehersisyo, at balanced diet para ang mga sakit tulad ng diabetes at hypertension ay maiwasan,” sinabi ni Garin, na isang ding doktor. (END)


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO ——- THIS IS TERENCE MORDENO GRANA REPORTING FOR AFP COMMUNITY NEWS, ONE AFP FOR STRONGER PHILIPPINES

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home