8 POINT SOCIO-ECONOMIC AGENDA NI PBBM TINIYAK NG BICAM NA KASAMA SA PAMBANSANG BADYET, PAGPASA SA PANUKALANG PAGGASTA NA P5.268T BAGO MAG PASKO, INAASAHAN
Tiniyak ni House Committee on Appropriations at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ngayong Biyernes na sisiguruhin ng mga mambabatas sa bicameral committee conference na kasama sa P5.268-trilyon pambansang badyet para sa 2023 ang 8-point socio ecenomic agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Both Congress and the Senate adopted the Medium-term Fiscal Framework prior to the budget deliberations. Ito ang magiging guide post namin sa pag-finalize ng budget,” ayon kay Co sa isang pahayag.
Nagpulong ang bicam ngayong Biyernes sa Manila Golf Club sa Lungsod ng Makati, upang pagkasunduin ang mga magkakaibang probisyon ng 2023 pambansang badyet.
“In the end, the final version will be one that best supports the President’s 8-point socio-economic agenda. We envision the final version as a budget that creates jobs, keeps the macroeconomy stable, and helps keep inflation within a manageable range,” dagdag ni Co.
"My fervent hope is that in the coming days, we arrive at a common and collective decision to reconcile our differences and harmonize them with the programs of the present administration and balance them with the needs of our constituents.
Our shared aspiration is to bring a better quality of life for Filipinos; for their future prosperity and advancement," ayon kay Co sa kanyang pambungad na pahayag.
Ipinahayag nina Co at Marikina City Rep. Stella Quimbo, senior vice chairperson ng House Committee on Appropriations, ang pag-asa na maipapasa ang pambansang badyet bago mag pasko.
“House leaders want to approve President Marcos’ first budget earlier this year. Usually, before New Year parati ang approval. This time, the target is to have this passed into law before Christmas. Magandang pamaskong handog ang komprehensibong 2023 budget para sa ating mga kababayan,” deklarasyon ni Co.
"Usually nagiging batas ito before New Year. Pero this year dahil nga maaga tayong nag umpisa ng trabaho, ang aspiration is sana before Christmas," ayon namam kay Quimbo sa mga mamamahayag sa isang biglaang panayam.
"Although may mga disagreeing provisions, and I believe amounting to about P215 billion worth of increases in budget items, sa tingin ko naman mabilis na makaka-agree ang House at ang Senado dahil meron tayo, for the first time, inadopt natin 'yung Medium Term Fiscal Framework na ito na naglalaman ng Eight Point Socio Economic Agenda ng ating Pangulo. So 'yan ang magiging guiding posts ng House at ng Senate. And in the end, ang maipapasa natin na version ay siyang pinaka-magandang susuporta dito sa ating agenda," dagdag ni Quimbo.
Tiniyak ni Co na paninindigan ng mga mambabatas na kasama sa bicam, na kanyang inilarawan na “non-negotiables” sa usapin ng pambansang badyet para sa susunod na taon, na kasama ang panukalang pagtugon sa kasalukuyang pandemya, at tugunan ang nararanasang inflation.
"The General Appropriations Bill is consistent with the action plan of this administration in addressing the rising inflation driven by internal and external factors, socioeconomic scarring, and low income. We are still on the path of recovery from the lingering effect of the COVID-19 pandemic. Admittedly, this pandemic transformed each of us in the way we think and create solutions to existing economic problems. The policy choices that we will make in this budget will determine the success of our effort to transition from the impact of this pandemic," dagdag ni Co sa kanyang pambungad na pahayag.
“Dahil hindi pa tapos ang pandemya, kelangan pa rin natin ng sapat na health response. Kasama dito ang booster shots at bayad sa ating frontliners,” ani Co. "Mahalaga din na merong sufficient response sa inflation. Dahil food inflation ang pinakamalaking bahagi, kailangang sapat ang budget para sa agrikultura. Halimbawa, may programs ang DA (Department of Agriculture) para sa bigas, mais, High Value Crops at maging livestock development."
“Kasama din sa inflation response ang iba’t ibang programang pang-ayuda ng gobyerno tulad ng AICS ng DSWD, MAIP ng DOH, at TUPAD ng DOLE. Maganda din na magkaroon tayo ng fuel subsidy para sa transportation sector," ani Co.
Umaasa si Co na mas magiging maayos ang bicam conference para sa mga programang paggasta ng bansa para sa 2023, kahit magkaiba ang mga probisyon ng Kapulungan at Senado ng kani-kanilang bersyon ng panukala, dahil naniniwala siya na nagkakaisa sila sa isang adyenda.
“Kahit may ilang disagreeing provisions, hindi magiging mahirap para sa Kongreso at Senado na mag-reconcile ang mga pagkakaiba dahil iisa naman ang aming layunin,” aniya.
Itinalaga ng liderato ng Kapulungan ang mga sumusunod na mambabatas bilang mga kinatawan sa bicam conference: Co, Quimbo, Reps. Ralph Recto, Aurelio Gonzales Jr., Mannix Dalipe, Ferdinand Alexander "Sandro" Marcos, Jay-Jay Suarez, Neptali Gonzales II, Joboy Aquino II, Raul Angelo Bongalon, Eleandro Jesus Madrona, Michael John Duavit, Marcelino Libanan at Edcel Lagman.
Para sa Senado, ang mga miyembro ng bicam ay kinabibilangan nina Senators Sonny Angara, Loren Legarda, Pia Cayetano, Cynthia Villar, Imee Marcos, Win Gatchalian, Bato Dela Rosa, Bong Go, Risa Hontiveros, Nancy Binay, Grace Poe, Francis Tolentino, Mark Villar, JV Ejercito, Alan Cayetano, Chiz Escudero, at Jinggoy Estrada.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home