MARINA EXTENSION OFFICE
Panukalang batas sa paglikha ng Marina extension office lusot na sa House Committee on Transportation.
---
Inaprubahan ng House Committe on Transportation ang panukalang batas na lilikha ng MARINA extension offices.
Sa isinagawang deliberasyon ng House Panel.. pasado sa Committe na magkaroon ng karagdagang Maritime industry Authority o Marina offices sa Region II, III at MIMAROPA.
Layon ng panukala na ilapIt sa mga tao partikular sa mga Filipino seafarers ang serbisyo ng ahensya.
Ayon kay House Deputy Majority leader at MARINO Partylist Rep. Sandro Gonzales..marami sa mga pinoy seafarers ang nahihirapan sa pagproceso ng kanilang mga dokumento kaya naisipan niya na tulungan ang mga ito na makatipid sa transportasyon at oras.
Mahalaga anya na maramdaman nila ang tulong ng pamahalaan.
Ilan sa mga tinukoy na lugar na dapat magkaroon ng field office ng ahensya ay ang Ilagan City sa Isabela, Balanga City, Bataan, at Puerto Princesa City, sa Palawan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home