Thursday, November 10, 2022

MGA PANUKALANG BATAS NA VIP, CDC NA MAGPAPALAKAS NG KAKAYAHAN LABAN SA MGA HINDI INAASAHANG PANGYAYARI SA KALUSUGAN, LUSOT SA KOMITE

Inaprubahan ngayong Huwebes sa magkasanib na pagpupulong ng mga Komite sa Kalusugan na pinamumunuan ni Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr. at ng Komite sa Agham at Teknolohiya na pinamumunuan ni General Santos City Rep. Loreto Acharon sa Kapulungan ng mga Kinatawan, ang panukalang “Virology Institute of the Philippines Act” o ang substitute bill sa House Bills 10, 47, 282, 308, 462, 528, 602, 1179, 1262, 1491, 1710, 1721, 1903, 2413, 2456, 2736, 2777, 2904, 2979, 3043, 3118, 3147, 3398, 3407, 3503, 3693, 3723, 4186, 4270, 4450 at 4862. 


Ayon kay Acharon, layon ng panukala na magsilbi bilang isang pangmatagalang solusyon sa pandemya, at iba pang mga paulit-ulit na problema na dulot ng mga virus, sa pamamagitan ng pagbibigay ng lugar para sa mga pag-unlad na pananaliksik hinggil sa mga virus at bakuna.  


Bilang isang kaakibat na ahensya sa ilalim ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya, ang panukalang VIP ay magiging pangunahing institusyon ng pananaliksik at pag-unlad sa larangan ng virology, na sumasaklaw sa lahat ng uri ng mga virus at mga sakit na viral sa mga halaman, hayop, at tao. 


Sa isang hiwalay na pagpupulong ngayon araw, pinagtibay din ng Komite sa Kalusugan ang panukalang “Philippines Center for Disease Prevention and Control (CDC) Act” o ang substitute bill sa HBs 9, 46, 159, 281, 359, 994, 1375, 1715, 2521, 2694, 2730, 2799, 2935, 2977, 3010, 3094, 3117, 3447, 3502, 3530, 3540, 3609, 3666, 4064, 4100, 4147 and 4778. Ipinabatid ni Gato na makakatulong ito na matiyak na mas handa ang bansa laban sa mga kagipitan sa kalusugan ng publiko.  


Binanggit din niya na ito ay bahagi ng prayoridad na adyenda sa lehislasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kapag nilagdaan bilang batas, ang CDC ay gagawin bilang isang kaakibat na ahensya sa ilalim ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH), upang tugunan ang mga usapin hinggil sa pag-iwas at pagkontrol sa sakit, kabilang ang pagpapaunlad ng polisiya at pamantayan, pagpapaunlad ng kapasidad at teknikal na tulong, sektoral at lokal na pakikipag-ugnayan, at pagsubaybay. 


Ang mga panukala, kung saan kapwa kasama si Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang punong may-akda, ay naaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa noong ika-18 Kongreso.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home