Sunday, November 27, 2022

MAHIHIRAP AT VULNERABLE NA MGA INDIBIDWAL, PAGKAKALOOBAN NG QUATERLY MEDICAL ASSISTANCE

Hinikayat nina TINGOG Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez at Rep. Jude Acidre ang kanilang mga kapwa mambabatas na agad ipasa ang panukalang magkakaloob ng quarterly medical assistance na nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P150,000 sa mga indibidwal o pamilyang mahihirap, vulnerable, disadvantaged, o kaya'y mga nasa crisis situation.


Sinabi nila na iminamandato ng 1987 Constitution na dapat natutugunan nito ang isyu ng kahirapan na nararanasan ng kanyang mga mamamayan sa pamamagitan ng mga polisiyang magbibigay sa ng sapat at akmang social services.


Iginiit ng dalawang solon na magbibigay daan ang kanilang isinusulong na panukala upang maitatag ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.


Kabilang sa mga dapat anilang agad na maipagkaloob ang psychosocial intervention, direct financial and material assistance, at pagbibigay sa kanila ng referral para sa iba pang social services ng gobyerno.


Subalit, marapat lamang na sumailalim muna sa screening, verification, at assessment ng social workers ang lahat ng mga magiging kwalipikadong benepisyaryo.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home