Wednesday, November 09, 2022

DANNY JAVIER RESO

Pinagtibay ng Mababang Kapulungan ang isang resolusyon na nagpapaabot ng taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ng APO Hiking Society member at Pinoy music icon na si Danny Javier.


Sa sesyon ngayong Miyerkules, inadopt ang House Resolution 530 na ini-akda sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.


Si Javier ay nasawi noong Oct. 31, 2022 sa edad na 75 taong gulang.


Ayon sa Kamara, habambuhay na maaalala ang natatanging kontribusyon ni Javier sa Philippine Pop Music, at lahat ng kanyang mga awitin at komposisyon na nagdala ng ngiti at ligaya sa maraming mga Pilipino.


Kilala rin anila si Javier na hindi tumigil na ipaglaban ang kanyang minamahal at kanyang pinaniniwalan.


Kasama ni Javier sina Boboy Garovillo at Jim Paredes sa APO Hiking Society, na isa sa mga “pillar” ng Original Pilipino Music o OPM.


Ang kopya ng pinagtibay na resolusyon ay ibibigay ng Kamara sa pamilya ni Javier.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home