VAT SA DIGITAL TRANSACTIONS
Panukalang patawan ng VAT ang digital transactions at subscriptions sa mga online streaming services, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara...
Binuksan sa regular session ng kamara ang usapin kaugnay sa House Bill No. 4122 o ang Act Imposing Value-Added Tax on Digital Transactions in the Philippines.
Ayon kay San Jose Del Monte City Bulacan Lone District Rep. Rida Robes, natalakay dito ang ilan sa kanyang mga proposed amendment kaugnay sa isunusulong na House Bill No. 4122 na agad naman aniyang inaprubahan ng mababang kapulungan kongreso.
Pumasa sa 2nd reading ang panukalang patawan ng value-added tax (VAT) ang digital transactions kabilang na ang subscriptions sa mga online streaming services sa pamamagitan ng voice voting sa plenary session ng kamara.
Layon ng panukala na mangolekta ng VAT mula sa mga non-resident digital service providers (DSP) at mga local digital service provider, na kinabibilangan ng mga content creator na tumatanggap ng mahigit sa tatlong milyong pisong kita kada taon.
Nakasaad din sa panukala sakaling maisabatas, maaring pumalo sa P12B ang annual additional income ng gobyerno.
Gayunman una nang nagpahayag ng pagkabahala hinggil dito ang ilang mambabatas dahil sa kailangang taasan ang vat na sinisingil sa mga kumpanyang kabilang sa non-resident digital service providers, na kalaunay babawiin rin nila sa kanilang mga consumer sa pamamagitan ng pagtataas ng singil sa kanilang ibinibigay na serbisyo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home