Wednesday, November 09, 2022

MGA MAMABABATAS, NAGPAHAYAG NG PAGDADALAMHATI SA MGA BIKTIMA NG SEVERE TROPICAL STORM PAENG

Pinagtibay ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang isang resolusyon na nagpapahayag ng awa, pagdadalamhati, suporta at pakikiramay sa 2.4-milyong Pilipino na sinalanta ng Severe Tropical Storm Paeng.


“The House of Representatives stands in solidarity with the victims at this trying time and assures Filipinos that it is ready and willing to provide any assistance necessary to alleviate the suffering of those affected by Severe Tropical Storm Paeng and aid them as they struggle to overcome this calamity,” ayon sa House Resolution No. 504 na pinagtibay ngayong Lunes. 


“The House of Representatives collectively and individually rise up to the challenges of relief and rehabilitation in the storm-affected areas, including individual pledges for the purpose of providing financial and all other kinds of assistance,” dagdag pa rito.


Ang House resolution ay inihain nina Speaker Martin G. Romualdez, House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose "Mannix" M. Dalipe, House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan, senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander "Sandro" A. Marcos, Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre.


Isinasaad sa resolusyon, na ang mga pinuno at miyembro ng Kapulungan ay nagsagawa ng relief at rehabilitation drive para sa mga biktima ng severe tropical storm. 


Ang mga pribadong indibiduwal at kompanya ay nangako rin ng ayuda sa mga apektadong komunidad, habang ang mga pamahalaan ng Canada at Estados Unidos ng America ay nagkumpirma ng kanilang kahandaan na tulungan ang National Government sa kanilang mga rehabilitation at relief operations.


Noong ika-29 ng Oktubre, nanalasa ang Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae) sa Pilipinas, makailang beses na nag-landfall sa mga lalawigan ng Catanduanes, Camarines Sur, Quezon, Marinduque, Batangas, at Bulacan, at naminsala ng kabuuang 70 lalawigan sa Luzon, Visayas at Mindanao. Naapektuhan rin nito ang 741,777 pamilya o 2.4-milyong indibiduwal, 975,374 ang nawalan ng tahanan, at nag-iwan ng 121 patay, 178 sugatan at 36 nawawalang indibiduwal dahil sa matinding pagbaha at pagguho ng mga lupa sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. 


“As an aftermath of the onslaught of Severe Tropical Storm Paeng, His Excellency, President Ferdinand Romualdez Marcos Jr., issued Proclamation No.84, declaring a state of calamity for six months in Region IV-A (CALABARZON), Region V (Bicol), Region VI (Western Visayas Region) and the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao to allow for government leaders to swiftly respond to the needs of their respective communities that are greatly affected and damaged by the severe tropical storm,” ayon sa resolusyon.


Nagtaya ang National Disaster Risk Reduction and Management Council na ang paunang pinsala ng bagyo ay lumagpas sa one-billion-peso mark, na nakaapekto sa 24,813 magsasaka at mangingisda, at pinsala sa agrikultura na umabot sa P435.4-milyon; P14.9-milyon pinsala sa hayupan, manukan, at mga palaisdaan; P757.8-milyon pinsala sa mga imprastraktura; at P12.4-milyon pinsala sa mga nawasak na 4,188 kabahayan. 

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home