Wednesday, November 09, 2022

PAGPASLANG KAY VETERAN BROADCASTER PERCIVAL LAPID, KINONDENA NG KAPULUNGAN

Mariing kinondena ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang walang awang pagpaslang sa veteran broadcaster na si Percival “Percy Lapid” C. Mabasa, na kilala sa kanyang mga adbokasiya laban sa mga pag-abuso at katiwalian, at nagpahayag ng kanilang lubos na alalahanin para sa kaligtasan at seguridad ng mga mamamahayag sa bansa.


“Local and international journalists were outraged and deeply saddened by the killing of Mr. Percival ‘Percy Lapid’ C. Mabasa, and they considered this dastardly act as an attack to the freedom of speech and of the press that must be stopped in order to save and maintain democracy,” ayon sa House Resolution No. 489 na pinagtibay ngayong Lunes. 


“Now, therefore, be it resolved by the House of Representatives, to condemn in the strongest possible terms, the senseless killing of veteran broadcaster Percival 'Percy Lapid' C. Mabasa and to express grave concern for the safety and security of journalists in the country,” dagdag pa rito.


Ang House resolution ay inihain nina Speaker Martin G. Romualdez, House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose "Mannix" M. Dalipe, House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan.


Si Mabasa na kilala sa kanyang propesyon bilang “Percy Lapid,” ay tanyag sa kanyang programa na pagkokomentaryo sa YouTube channel na may pamagat na “Lapid Fire”, ay walang awang pinagbabaril sa harap ng kanyang bahay sa Sta. Cecilia Village, Las Piñas City noong ika-3 ng Oktubre. 


Isinilang siya noong ika-14 ng Marso 1959 sa Tuguegarao, sa kanyang mga magulang na sina Carmelita Lapid Carag at Marcelo “Mars” Mabasa, Sr., isang mamamahayag at radio commentator na naging inspirasyon ni Mabasa, upang sumuong sa industriya ng pamamahayag.


Isinasaad sa resolusyon na si Mabasa ay naglingkod sa industriya ng pamamahayag sa loob ng apat na dekada bilang radio broadcaster at commentator; nag-host ng maraming programa sa iba’t ibang channel ng mga radyo tulad ng DZME, DWBC, DZRM, DWIZ, DZRJ at DWBL; columnist ng Hataw sa JSY Publications; at naging isa sa mga direktor ng National Press Club of the Philippines mula 2008-2010. Binanggit rin dito na bago siya napatay, ang mga komentaryong programa ni Mabasa ay nakakuha ng 119 million views nang magsimula ito ng ika-8 ng Mayo 2019, at ito ay sumahimpapawid sa DWBL 1242 radio station, kung saan ay nagpapahayag siya ng kritisismo at pagtuligsa laban sa mga pag-abuso at katiwalian.


Maging si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos, Jr. ay nag-utos ng agarang imbestigasyon sa kanyang pagpaslang, at isang special investigation task group ang kalaunan ay nilikha ng National Capital Region Police Office ng Philippine National Police, ayon pa sa resolusyon. Noong ika-18 ng Oktubre 2022, o 15 araw matapos ang pagpaslang kay Mabasa, isang Joel Estorial, na umano’y gunman, ang sumuko sa mga otoridad at inaming sumunod lamang siya sa utos, upang barilin ang radio commentator, na galing sa loob ng New Bilibid Prison, ang pangunahing maximum-security penitentiary sa Pilipinas.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home