2nd READING NG MAHARLIKA
Isa Umali / Dec. 15
Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 6608 o ang panukalang Maharlika Investment Fund o MIF.
Sa viva voce na botohan, nanaig ang mga pabor sa panukala.
Kabilang sa pangunahing may akda ng House Bill ay sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos at iba pa.
Aabot sa 275 ang co-authors ng panukalang ito.
Ayon sa kanila, ang Maharlika Investment Fund ay bagong bubuuing pondo ng Pilipinas para maipon ang pera (surplus money at investible funds) at iba pang yaman na maaaring gawing kapital sa mga negosyo sa loob at labas ng bansa.
Paniniwala ng mga author, malaki ang maitutulong ng MIF sa ekonomiya at iba’t ibang proyekto ng gobyerno para sa mga Pilipino.
Naisipan din ng mga mambabatas nag MIF dahil hangga’t maaari ay ayaw umano nil ana magpasa ng batas na magpapataw ng bago o dagdag na buwis na magiging pabigat sa mga Pinoy.
Kabilang sa mga “funding sources” ng MIF ay ang Development Bank of the Philippines (P25 billion), Landbank of the Philippines (P50 billion), at ang Bangko Sentral ng Pilipinas (100% dividends).
Nauna nang inilaglag bilang source ng MIF ang GSIS at ang SSS matapos ang mga panawagan ng publiko.
Mayroon ding “penal provisions” sa panukala para papanagutin o parusahan ang sinumang director, trustee o officer ng Maharlika Investment Corporation na mapapatuyang nang-abuso sa pamamahala --- ito ay kulong na higit 1-taon hanggang limang taon, at danyos na P50,000 hanggang P2 million.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home