MGA PANUKALA SA INTERNET TRANSACTIONS, MALAKAS NA ANTI-AGRICULTURAL SMUGGLING, AT IBA PANG PRAYORIDAD NA PANUKALA PASADO SA IKALAWANG PAGBASA
Inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa ikalawang pagbasa ngayong Martes ang House Bill 4, o ang panukalang "Internet Transactions Act”.
Sa ilalim ng panukala, lilikhain nito ang Electronic Commerce Bureau, upang mas mapangalagaan ang mga konsyumer at mga mangangalakal na gumagamit ng mga online transactions.
Ang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) prayoridad na panukalang ito ay pangunahing iniakda nina Speaker Romualdez, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, at TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre. Layon nitong isulong at imantine ang masiglang eCommerce environment sa bansa, sa pamamagitan ng mga ligtas at maaasahang plataporma, kung saan ay may malinaw na transaksyon at ganap na maasahan.
Ang HB 3917, ay mag-aamyenda sa Sections 3 at 4 ng Republic Act 10846, na kilala rin bilang "Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016”, ay pumasa rin sa ikalawang pagbasa.
Layon din nitong magpatupad ng mahigpit na parusa upang labanan ang malawakang smuggling ng tabako, gayundin ang pagharang sa mga pumapasok at pagbebenta ng iligal na tabako sa bansa.
Ang mga smuggler ng mga produkto ng tabako ay mahaharap sa parusa na minimum na 30 taon sa bilangguan, at pagmumultahin ng dobleng halaga ng ipinuslit, kasama na ang halaga ng buwis, butaw at iba pang mga kabayaran na pinalusutan ng mga ipinuslit na tabako.
Ang ilan pang mga panukala na pasado sa ikalawang pagbasa ay: 1) HB 6517, na nagpapalakas sa propesyunalismo, at pagsusulong ng pagpapatuloy ng mga polisiya at mga pagsisikap sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP); 2) HB 4337, na nagdedeklara sa Ilocos Norte bilang Garlic Capital of the Philippines; 3) HB 6518, o ang panukalang "Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team (HEART Act”); 4) HB 6522, o ang panukalang “Philippine Centers for Disease Prevention and Control (CDC) Act”; 5) HB 6510, o ang panukalang “New Philippine Passport Act”; 6) HB 6473, na nagtatatag sa Philippine Entrepreneurs Academy; at 7) HB 6483, na magpapahintulot sa mga mag-aaral sa kolehiyo na hindi nakabayad ng tuition at iba pang babayarin sa paaralan, na bigyan ng periodic at pinal na pagsusulit, na may kaakibat na maganda at makatarungang dahilan.
Ang hybrid na sesyon sa plenaryo ay pinangunahan nina Deputy Speakers Kristine Singson-Meehan at Camille Villar.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home