MGA PINAGSAMA-SAMANG PANUKALANG BATAS HINGGIL SA PANGHABAMBUHAY NA PAG-AARAL, INAPRUBAHAN NG MAGKASANIB NA KOMITE
Inaprubahan ngayong Lunes sa pagdinig ng mga Komite ng Higher and Technical Education na pinamumunuan ni Baguio City Rep. Mark Go, at Basic Education and Culture na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo sa Kapulungan ng mga Kinatawan, ang pagsasama-sama ng limang panukalang batas na may kinalaman sa panghabambuhay na pag-aaral.
Layon ng mga House Bills 2286, 3130, 4025 at 4160 ang gawing institusyunal ang Lifelong Learning Development Framework at likhain ang Lifelong Learning Development Council. Ang mga ito ay iniakda nina Reps. Eduardo ‘Bro. Eddie’ Villanueva, Jernie Jett Nisay, Luis Raymund ‘LRay’ Villafuerte Jr., at Harris Christopher Ongchuan, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, layon ng HB 4582, na iniakda ni Rep. Gus Tambunting ang magtatag ng mga lungsod sa pag-aaral at pagsunod sa mandato ng kanilang mga pangunahing katangian.
Habang nasa pagdinig, inendorso ang mga panukalang batas ng mga eksperto, kabilang dito ang tagapagsalita ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) na si Atty. Joseph Noel Estrada; ang mga kasapi ng Commission on Higher Education (CHED) Technical Committee na sina Ma. Ninia Calaca at Jocelyn Beltran-Balanag; TESDA Deputy Director General Toni Umali; at Annabelle Balor ng Office of the Vice Chancellor for Academic Affairs ng University of St. La Salle sa Bacolod City.
Kabilang sa mga layunin ng panukalang panghabambuhay na pag-aaral ang itaguyod ang panghabambuhay na pag-aaral bilang isang paraan upang makamit ang ganap, produktibo at malayang piniling hanapbuhay at disenteng trabaho para sa lahat, gayundin ang pagpapalakas ng mas tuluy-tuloy na pambansa, rehiyonal at lokal na pag-unlad.
Samantala, sa sumunod na pagdinig, inaprubahan ng Komite ng Higher and Technical Education ang mosyon ni Rep. Antonio “Tonypet” Albano para sa pangkalahatang pag-apruba ng 25 panukalang batas, na magtatatag ng mga sentro ng pagsasanay at pagsusuri ng TESDA sa iba’t ibang bahagi ng bansa, gayundin ang pag-apruba ng kaukulang Ulat ng Komite.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home