Friday, December 09, 2022

ULAT NG BICAM SA 2023 GENERAL APPROPRIATIONS BILL NIRATIPIKAHAN, PANUKALANG PH VIROLOGY INSTITUTE PASADO

Kagyat na naratipikahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ngayong Lunes, ang ulat ng bicameral conference committee report sa House Bill 4488, o ang 2023 General Appropriations Bill. 


Nilalaman ito ng P5.268-trilyong pambansang badyet para sa taong 2023. 


Nauna nang tiniyak ni Speaker Romualdez na maipapasa ang panukalang badyet bago magbakasyon ang Kapulungan. 


Inaprubahan rin ng mga mambabatas sa ikatlo at huling pagbasa ang HB 6452, na naglalayong itatag ang Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP) bilang kaakibat na ahensya, sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST). 


Sa pamamagitan ng naturang panukala, imamandato sa VIP ang pagpapatupad ng mga polisiya, plano, programa, at mga proyekto para sa pagpapaunlad ng virology science and technology sa bansa, kabilang ang pagsusulong ng mga syentipiko at teknolohikal na mga aktibidad sa parehong mga pampubliko at pribadong sektor. 


Sasakupin nito ang lahat ng uri ng mga viruses at viral diseases sa mga halaman, hayup at mga tao. 


Bukod pa rito, isinasaad rin sa panukala na ang DOST, sa pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Kalusugan, Kagawaran ng Agrikultura, at Department of Trade and Industry, ay bibigyan ng tungkulin na magpaunlad ng industry roadmap para sa mga produkto at mga serbisyo na lilikhain, paghusayin at palawakin ang pagsasaliksik ng VIP. 


Samantala, inaprubahan ng Kapulungan sa ikalawang pagbasa ang HB 6336, o ang panukalang “New Agrarian Emancipation Act”, isa pang prayoridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). 


Palalayain nito ang mga benepisaryo ng repormang agraryo mula sa pahirap na gastusin, sa pamamagitan ng pagpapatawad ng mga hindi nababayarang hulog at interes, at sila ay ililibre sa pagbabayad ng estate tax sa mga lupaing pang-agrikultura na iginawad sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program. 


Ang ilan pang panukala na pasado sa ikalawang pagbasa ay ang: 1) HB 6 o ang panukalang "Open Access in Data Transmission Act”; 2) HB 6444 o ang panukalang “Waste Treatment Technology Act”; at 3) HB 6416 o ang panukalang "State Universities and Colleges (SUCs) Mental Health Service Act”. 


Pinangunahan nina Speaker Romualdez, kabilang sina Deputy Speakers Kristine Singson-Meehan at Camille Villar ang hybrid na sesyon sa plenaryo.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home