PAGTATATAG NG NEGROS ISLAND REGION, SUPORTADO NG ISANG METRO MANILA SOLON
Suportado ni Rep. Rex Gachalian ng Valenzuela City, Metro Manila, ang panukalang magtatatag ng Negros Island Region (NIR) na may layuning magpapabilis sa economic and social growth and development ng Negros Occidental at Negros Oriental bilang single administrative region.
Sinabi ni Cong. Gatchalian na sang-ayon sya na maipasa ang panukalang lilikha sa NIR matapos itong dumaan sa napakaraming consultative meetings, pagsusuri at diskusyon.
Ginawa ng solon ang pahayag, makaraang aprubahan ng house panel ang substitute bill nito.
Sa ilalim ng proposed measure, bubuoin ang NIR ng mga lunsod, munisipalidad, at mga barangay sa Negros Oriental, Negros Occidental at sa island province ng Siquijor.
Giit ng mga kongresista mula Negros, napakahalaga ng panukala para mapag-isa ang dalawang lalawigan na magbibigay daan upang maramdaman ng mga Negrense ang mabilis at tuloy-tuloy na paglago ng kanilang ekonomiya.
Tinawag naman ng solon na logical at practical ang pagkakasama ng Siquijor Province sa proposed NIR dahil malapit sa Negros Island at halos magkahalintulad lamang sila ng kultura.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home