Wednesday, February 08, 2023

20 PORSYENTONG DISKWENTO PARA SA MGA MAHIHIRAP NA JOB APPLICANTS, BABALANGKASIN NG TWG

Inaprubahan ngayong Martes ng Komite ng Poverty Alleviation sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Rep. Michael Romero, Ph.D. (Party-list, 1-PACMAN) ang paglikha ng technical working group (TWG) na babalangkas sa substitute bill para sa ilang panukala na naglalayong gawaran ang mga mahihirap na job applicants ng 20 porsyentong diskwento sa pagbabayad ng mga fees at charges sa ilang sertipiko at clearances ng pamahalaan. Ang TWG ay pamumunuan ni Committee Vice Chairperson Rep. Ana York Bondoc (4th District, Pampanga). 


Ang mga panukalang pag-iisahin ay ang mga House Bills 367, 2533, 3048,  3533, 3604, 4762, 4828, 5553 at 5792 na iniakda nina Reps. Marissa 'Del Mar' Magsino, Lani Mercado-Revilla, Paolo Duterte, Oscar Malapitan, Ralph Wendel Tulfo, Ernesto Dionisio Jr., Samuel Verzosa Jr., Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza, at Rep. Gus Tambunting, ayon sa pagkakasunod. 


Hinimok ni Romero ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan na isumite sa Komite ang halaga ng kanilang mga sinisingil para sa mga sertipiko at kita na dapat nilang kikitain sa pagpapatupad ng panukalang 20 porsyentong diskwento, kapag naisabatas ang panukala. 


Nagpahayag naman ng suporta ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development, Department of Justice, Department of Migrant Workers, at iba pa, para sa pagsasabatas ng panukala na tutulong sa pagbabawas ng kahirapan ng mga mahihirap na mamamayan na naghahanap ng trabaho, upang maging mga produktibong miyembro ng lipunan.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home