DA AT DTI, HINIMOK NA MAGLUNSAD NG ALL-OUT-WAR LABAN SA HOARDERS NG SIBUYAS AT BAWANG
Milks/07feb23
DA at DTI hinimuk ng Kongreso na maglunsad ng all-out-war laban sa hoarders ng sibuyas at iba pang agri products…
-Speaker Romualdez…
Hinimuk ng Kongreso ang Department of Agriculture at Department of Trade and Industry na maglunsad ng all-out-war laban sa mga hoarders at madadayang traders ng sibuyas at iba pang agri products.
Ginawa ni House Speaker Martin Romualdez ang apela matapos ipatawag sa Kamara at pulungin ang mga opisyal ng DA at DTI.
Sa meeting, napagkasunduan na gamitin ng DA ang 276-million pesos na Kadiwa Food Mobilization Fund na nakalaan sa 2023 national budget.
Ayon kay Romualdez, magagamit ang pondo para bumili ng mga aning produkto ng mga magsasaka sa presyong mas mataas sa production cost at ibebenta sa Kadiwa sa farm gate price.
Umapela din si Romualdez sa mga opisyal ng DA at DTI na tumulong sa isinasagawang imbestigasyon ng Kongreso laban sa mga nasa likod ng manipulasyon sa supply at presyo ng agri products.
Sinabi ni Romualdez, kung may mga impormasyon sa cartel ng sibuyas at iba pang agri products, ipatatawag ang mga ito sa hearing ng House Committee on Agriculture and Food o kaya naman ay ipaaresto sa mga awtoridad.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home