KAMARA, NAKIKIPAG-SANIB PUWERSA SA DA AT EHEKUTIBO KONTRA HOARDERS NG MGA AGRI PRODUCT
jopel
Kamara, makikipagsanib pwersa sa DA at Ehekutibo kontra hoarders ng mga agri-products..
Tututukan ng komite sa Kamara ang imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng artipisyal na kakapusan ng bawang at sibuyas na nagresulta sa pagtaas ng halaga nito sa merkado.
Maliban dito, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez, na mas paiigtingin nila ang pakikipagtulungan sa Executive branch at the Deparment of Agriculture upang matiyak na matutuldukan ang mga iligal na aktibidad ng mga hoarders.
Mensahe ani Speaker Romualdez sa mga abusadong negosyante, pigilan ang kanilang kasakiman, at ilabas na ang mga iniipit o iniimbak nilang mga agri product gaya ng bawang at sibuyas.
Sa pamamagitan nito, tiyak na bababa ang halaga ng mga produktong ito sa mga pamilihan.
Una nang sinabi ng liderato ng kamara na bilang na ang araw ng mga mapagsamantalang traders at hoarders kung hindi ititigil ang kanilang mga iligal na aktibidad.####
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home