Tuesday, February 07, 2023

MGA PANUKALA HINGGIL SA LADDERIZED APPROACH SA K-12 CURRICULUM; BINAGONG GMRC AT VALUES EDUCATION ACT, INAPRUBAHAN NG KOMITE

Inaprubahan ngayong Martes ng Komite ng Basic Education at Culture sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang panukalang batas na layong ipasok ang ladderized approach sa K-12 curriculum. 


Inihain ni Rep. Mary Mitzi Cajayon-Uy ng Caloocan City ang House Bill 238, upang palitan ang spiral progression strategy ng RA 10533 at gawing ladderized model na magtitiyak ng mastery ng impormasyon at kakayahan sa dulo ng bawat antas. 


Sinabi ni Rep. Marissa Magsino ng OFW Party-list ang spiral progression, bilang isang estratehiyang pang-edukasyon na sa simula ay nakatuon sa pagtuturo ng mga pangunahing impormasyon bago ipakilala ang higit pang mga detalye habang sumusulong ang pag-aaral. 


Sinabi niya na ang ladderized approach ay pagkakasunduin ang lahat ng mga mekanismo ng edukasyon at pagsasanay na nagpapahintulot sa mga mag-aaral na umunlad sa pagitan ng mga programang teknikal-bokasyonal at mas mataas na edukasyon o kabaliktaran, tulad ng tinukoy sa RA 10647 o ang Ladderized Education Act of 2014. 


Iminungkahi niya na ang spiral progressive approach ay panatilihin sa Grades 1 hanggang 6, habang ang ladderized approach ay ipinapatupad sa Grades 7 hanggang 12. 


Inaprubahan din ng Komite ang HB 236 ni Cajayon-Uy na naglalayong palakasin ang Section 4 ng RA 11476, o ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) and Value Education Act. 


Ang Seksyon 4 ay isang probisyon sa institusyonalisasyon ng GMRC at Values Education sa K-12 Basic Education Curriculum. Ang mungkahing pagbabago ay dapat mag-atas sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na magsagawa ng mga aktibidad sa pagbuo ng mga values formation kada quarter. 


Susuriin ng Reference and Research Bureau ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang nasabing panukala. Inaprubahan din ng Komite ang apat (4) na panukalang batas na magtatatag ng mga tanggapan ng mga division schools sa ilang bahagi ng bansa. 


Ito ang HB 4920 ni Bukidnon Rep. Jose Ma. Zubiri; HB 466 ni Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma; HB 299 ni Zamboanga del Sur Rep. Jeyzel Victoria Yu; at HB 4448 ni Bohol Rep. Maria Vanessa Aumentado.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home