CERTIFIED EMERGENCY RESPONDERS, KIKAILANGAN SA BAWAT BFP
Kath
Sa pamamagitan ng viva voce voting ay pinagtibay ng Mababang Kapulungan sa ikalawang pagbasa ang panukala na nilalayong gawing requirement ang pagiging certified medical first responders at emergency medical technicians ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection.
Batay sa House Bill 6512, lahat ng istasyon ng bumbero ay dapat mayroong nakatalagang BFP uniformed personnel na certified emergency medical technician kada shift at siyang mangunguna sa mga rerespondehang medical emergency.
Ang mga bagong Fire Officer (FO1) ay isasailalim ng Fire Basic Recruit Course, kasama ang advanced first aid at emergency first response.
Bibigyan ng limang taon para makakuha ng sertipikasyon ang mga tauhan ng BFP na nasa serbisyo na.
Exempted naman ang BFP personnel na nagseserbisyo ng higit 15 taon.
Pangungunahan ng BFP ang training program sa tulong ng Department of Health, Technical Education and Skills Development Authority at Local Disaster Risk Reduction and Management Office.
Binigyang diin ng sponsor ng panukala na si Laguna Rep. Dan Fernandez na ang sertipikasyon na ito ng BFP personnel ay mahalagang bahagi ng kanilang professional development.
Sa paraang ito ay makasisiguro aniya ang publiko na may sapat na kaalaman at kasanayan ang mga rumerespondeng bumbero para tumugon sa kanilang emergency.
Ang mga BFP emergency medical technician ay mga trained at certified pre-hospital emergency care provider na kayang magbigay ng pre-hospital care at gumamit iba't ibang complex emergency medical equipment.
##
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home